Tuesday, March 1, 2016

Ang "nasyonalismo" ay galing sa salitang Latin na "natio" na ang ibig sabihin ay ang "pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi na mas mataas kaysa pamilya ngunit mas maliit kaysa sambayanan". Dito rin nag-ugat ang salitang nasyon na nangangahulugang "pangkat ng mga indibidwal na nagkaroon ng magkakatulad na katangian dahil sa palagian nilang interaksiyon sa isa't isa". Batay rito, ang nasyonalismo ay itinuturing na pananaw ng isang indibidwal bilang kasapi ng isang bansa o kaya ay pagnanasa ng isang indibidwal na paunlarin at palakasin ang isang bansa. https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagkamakabansa.

Sa makabangong technolohiya nauuso pa ba ang pagiging nasyonalismo? o sa mga aklat na lang  natin ito nababasa?paano natin mabubuhay ang pagiging nasyonalismo sa ating sarili? ito ang mga tanong na mahirap natin masagot dahil nahuhumaling tayo sa mga impluwensya sa kultura ng mga dayuhan. dahil dito mastumatangkilik tayo sa mga produkto na gawa sa ibang bansa. pinapatay nito ang kabuhayan ng ating kapwa pilipino  at lalo tayong hihirap.

 Sa aking palagay mabubuhay ko sa sarili ko ang diwa nang nasyonalismo sa pamamagitan nang pagtangkilik sa mga produktong gawa sa pilipinas. Sa pamamagitan nito  napahahalagahan ko ang aking sariling bansa.Susunod ako sa mga patakaran o batas at pangangalagaan ang likas na yaman sa ating bansa. At papahalagahan ko ang mga makasaysayang lugar na sumasalamin sa katatagan at pagkamakabayan ng mga pilipino.

ang tula na ito ay lumalarawan sa kahalagahan nang ating bayang pilipinas

Pilipinas, Ikaw ang Aking Bansa!
ni: Avon Adarna

Sa hitik na yaman nitong kalikasan,
Hindi magugutom, hindi magkukulang,
Pilipinas na Ina ng mamamayan,
Kumakandili nga sa buting kandungan.

Ang mga dagat at kailaliman,
Saganang pagkai’t mga pangisdaan,
Ang lalim na tubig na asul sa kulay,
Ay siyang panlinis sa lupang katawan.

Ang mga gubat na hitik sa bunga,
Ipantawid-gutom sa kalam ng bituka,
At pati hayop sa dulong kabila,
Nabubusog din at nagpapakasawa!

Ang mga lupa sa luntiang bukid,
Ay pakikinabangan kapag pinilit,
Magtanim lamang ng palay o mais,
At tiyak na kakain sa oras ng gipit!

Mahalin ang bayan saan man pumunta,
Ipagtanggol nga sa dayuhang bansa,
Ibiging mabuti at maging malaya,
Upang manatili ang Inang dakila!

Ang tula ay alay sa mahal na bansa,
Pagkat ako’y kanyang inaaruga,
Itong Pilipinas na bayan ko’t ina,
Mamahalin ko saan man pumunta!

No comments:

Post a Comment